Bagong oil price hike aabot ng P4.85 kada litro

HIGPIT ng sinturon pa more dahil aabot sa P4.30 kada litro ang itataas sa presyo ng diesel simula mamayang hatinggabi.

Bukod dito, tataas naman ng P2.15 kada litro ang presyo ng gasolina. Samantala, aabot naman sa P4.85 kada litro ang madadagdag sa presyo ng kerosene.

Base sa datos umabot na sa P36.85 kada litro ang itinaas sa presyo ng diesel habang P26.55 kada litro sa gasolina at P33.10 kada litro sa kerosene base sa year-to-date adjustments na naitala ng Department of Energy.

Noong isang linggo, umabot sa P6.55 kada litro ang itinaas sa presyo ng diesel; P2.70 kada litro sa gasolina at P5.45 kada litro sa presyo ng kerosene.