Site icon Pinoy Publiko

Babala ni Sara kay Digong: Baka magaya kay Ninoy

BINALAAN ni Vice President Sara Duterte ang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magay siya kay Ninoy Aquino Jr. sa sandaling gustuhin nitong umuwi sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa meet-and-greet event na inorganisa ng mga tagasuporta ni Digong sa Het Maliveld Park sa The Hague, Netherlands nitong Linggo, sinabi ni Sara na gustong-gustong umuwi ng kanyang ama ng Pilipinas para makapangampanya para sa nalalapit na halalan, ngunit binalaan niya ito.

“At ‘yon ang gusto niya, gusto niyang umuwi. Sinabi ko din sa kanya yon, ‘Pa, sabi ko ‘yung kagustuhan mo na umuwi, iyan din ‘yung katapusan ng buhay mo, magiging Ninoy Aquino Jr. ka,” kwento ni Sara sa kanyang talumpati habang nakatungtong sa isand de-tiklop na upuan.

Si Aquino, na pangunahing critic ng administrasyong Marcos Sr. ay pinaslang noong Agosto 1983 nang umuwi sa bansa matapos ang kanyang exile sa Estados Unidos. 

“At sinabi niya sa akin, sabi nya, ‘Kung ganyan ang kapalaran ko, then so be it. Basta lang mauwi ako sa Pilipinas’,” dagdag pa nito.

Ayon kay Sara, nangangamba siya para sa seguridad ng ama, gayunman gustong-gusto anya ni Digong na makabalik sa Pilipinas.

“Ibalik ninyo ako sa Pilipinas,” ang lagi umanong apela ng ama. 

Exit mobile version