SINABI ni Pangulong Duterte na inatasan na niya si Finance Secretary Carlos Dominguez na itaas sa P500 mula sa P200 ang ayudang ibibigay para sa mga mahihirap kapalit ng suspensyon ng implementasyon ng excise tax sa langis.
“Ito ngayon inipit ko na si Carlos Dominguez III. Sabi ko na, ‘Iyong 200 medyo kulang ‘yun. So how much can you stretch?’ Sabi ko, ‘500 kaya?’Sabi niya, ‘Oo pero magkaproblema tayo six months after,” ayon kay Duterte sa kanyang talumpati ngayong Lunes.
“Sabi ko sa kanya kanina, ‘Buang, wala na tayo diyan, bahala na sila.,” dagdag ni Duterte.
Nauna nang sinabi ni Dominguez na maglalaan ang gobyerno ng P33 bilyon para sa P200 ayuda para sa mga nasa below 50 porsiyentong mahihirap sa bansa.
Kasabay nito, muling ipinagtanggol ni Duterte ang operasyon ng e-sabong. “Iyon namang sa e-sabong, eh kayo, you can legislate, nasa inyo ‘yan pero kailangan ko ng pera. Huwag kang maniwala na we are awash with money. We have none,” aniya.