Site icon Pinoy Publiko

Ayuda ipinambili ng shabu

Shown in the photograph 01 August is a tiny plastic packet containing the banned drug metamphetamine hydrochloride locally known as "shabu", and elsewhere as "ice", worth 500 pesos (18.00 USD), weighing about half gram which is sold to drug users. Drug addicts inhale the smoke when the crystalline powder is melted by a flame. President Fidel Ramos has launched an all-out war against illegal drugs particularly against shabu which has alarmingly spread all over the country. Mr. Ramos called the phenomenal growth of narcotics trade in the country as a "national security threat." AFP PHOTO / AFP PHOTO

BAGSAK sa kulungan ang lalaki na nahuling umiskor ng shabu gamit ang natanggap na ayuda sa Quezon City kahapon.


Hindi naman pinangalanan ang suspek, residente ng Brgy. Matandang Balara, na nadakip ng mga barangay tanod dahil sa paglabag sa curfew.


Nang kapkapan ay nakuha sa suspek ang P150 halaga ng shabu.


Napag-alaman na kakukuha pa lamang niya ng P4,000 ayuda ng hapon na iyon.


Sinabi naman ng suspek na P1,000 lang ang ipinambisyo niya at ang natirang pera ay ibinigay niya sa kapamilya.


Inihahanda na ang kasong drug possession laban sa suspek.

Exit mobile version