HINDI matiyak ng Malacanang na maibibigay sa susunod na linggo ang panibagong ayuda sa may 11 milyon low-income Filipinos habang ang Metro Manila ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine.
Ngayong Biyernes, hindi pa rin naipalalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga dokumento sa mga local government units na siyang gagamitin para sa ayuda, ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya.
Ang tinutukoy na dokumento ni Malaya ay ang special allotment release order (SARO) at notice of cash allocation (NCA), na kapwa parehong kailangan para sa pag-disburse ng pondo.
“We expect the DBM to issue the SARO and the NCA for Metro Manila’s social amelioration program, and after that, we will wait for the local budget circular that will be issued by the department,” Malaya said in a televised briefing.
“If the said documents will be issued immediately, I am confident that we can start the cash aid distribution next week,” pahayag ng opisyal.
Sakabila nito, hindi pa rin agad maipamamahagit ang pondo dahil kailangan pang i-mobilize ang disbursement team sa mga lugar kung saan sila ia-assign.
Kailangan anya nang mas mahaba-habang oras para sa preparasyon.