Ayoko sa lalaking mukhang pera – Diwata

INAMIN ni Diwata, ang viral pares vendor, na malungkot ang kanyang buhay dahil wala siyang kapares.

“Kaya nga sa gabi unan lang ang kayakap ko. Sabi ko, ‘Sana sa susunod magkaroon ng lalaki na yayakap sa akin’,” aniya sa panayam ng mga vloggers.

Gayunman, sinabi ni Diwata kung magkakaroon siya ng boyfriend, sana ay hindi lang pera ang habol sa kanya.

“Yung iba kasi mga mukhang pera, ayoko ng ganun. Ang gusto ko talaga ako ‘yung hinahabol at hindi ‘yung pera ko,” sambit niya.

“Kaya mahirap makahanap ng ganun,” dagdag niya.

Bago ito, inihayag ni Diwara na wala siyang boyfriend ngayon dahil busy pa siya sa pagpapayaman.

Chika niya, ayaw muna niya ng seryosong relasyon at “patikim-tikim” lang muna ang eksena niya.

“Actually, ang love life ko ngayon, ang lalaki ko ngayon, parang ano lang, tikim-tikim lang muna,” paliwanag niya.

“Ayoko munang seryosohin ang relationship. Alam n’yo kung bakit? Kasi iniisip ko, baka mamaya, kapag nagdyowa ako ng 2 or 3, bukas, wala akong puhunan, maubos!” wika niya.

“So, feeling ko, habang nagtitinda ako, nagbi-business ako, mag-iipon muna ako. Kasi feeling ko, kapag marami ka nang pera, mas marami ka pang lalaki, ‘di ba?” sambit pa ni Diwata.

Inihayag din niya na ilang mga ex-boyfriend niya ang nakikipagbalikan sa kanya mula nang sumikat ang kanyang negosyo.