IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na dapat ipatupad ang polisiya na sinusunod sa Estados Unidos kung saan otomatiko ang cash refund sa sandaling magkaroon ng pagkakansela or mahababang delay sa mga flight ng mga airlines.
Ayon kay Pimentel, otomatikong ibinabalik sa mga pasahero ang kanilang ibinayad kahit hindi ito i-request sa sandaling magkaroon ng mahabang delay.
Sa pamamagitan nito, naniniwala si Pimentel na aayusin ng mga airline ang kanilang serbisyo para mabawasan ang flight delay at kanselasyon.
“I hope that Filipino travelers could benefit from similar passenger protections. Both local and international travelers should be reimbursed for the inconvenience caused by flight delays and cancellations,” ayon kay Pimentel.