TUMAAS ang inflation rate sa bansa noong Agosto sa 5.3 porsiyento mula sa 4.7 porsiyento na naitala noong Hulyo.
Ito ay bunsod sa pagtaas ng presyo ng pagkain partikular na ang bigas, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Bukod dito, malaki rin ang naiambag na dahilan sa pagtaas ng inflation ay ang pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages na pumalo sa 8.1 porsiyento kumpara sa dating 6.3 porsiyento noong nakaraang buwan.
” The annual growth of transport at 0.2 percent during the month, from an annual decline of -4.7 percent in July 2023, also contributed to the uptrend. In addition, the recreation, sport and culture index recorded an annual increase of 4.9 percent during the month from 4.7 percent in July 2023,” sabi pa ng PSA.
Ngayong araw sinimulan ang pagpapatupad ng price ceiling na P41 hanggang P45 sa bigas.