NANANAWAGAN ng tulong ang isang animal welfare advocate mula sa General Santos City para sa isang aso na tinamaan ng dengue.
Sa Facebook post, sinabi ni Moma Reny-Ann na nangangailangan ng dugo ang alagang aso ng kanyang kapitbahay na nanganganib ang buhay dahil sa nasabing sakit.
“Pls. tulungan nyu po ako kailangan masalinan ng dugo si chow chow today sobrang baba na po ng platelets niya nagka dengue po siya, kapitbahay ko po may-ari kaya pala hindi ko na siya nakita dumaan sa bahay namin everyday,” ani Reny-Ann.
“Willing to pay po ang owner sa dog donor para lang po ma save si Chow-Chow,” dagdag niya. Ayon sa mga beterinaryo, hindi lang tao ang pwedeng tamaan ng nasabing sakit. Ilan sa mga sintomas ng dengue sa hayop ay ang panghihina, pagdugo ang ilong at gums, at walang ganang kumain.