KALUNOS–LUNOS ang sinapit ng isang aso sa Pilar, Capiz na ibinitin saka pinagpapalo hanggang sa mamatay.
Nakunan ng video ang insidente na ipinadala sa Roxas Animal Welfare Society.
Makikita sa video na habang tinotortyur ang aso ay nagtatawanan pa ang mga nakapaligid na tao.
Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking responsable sa pagpatay sa aso.
Kaugnay nito, sinabi ni Philippine Animal Welfare Society (PAWS) director Anna Cabrera na hindi lang pag-post sa social media ang ginagawa ng mga saksi sa pang-aabuso sa mga hayop.
Ani Cabrera, dapat i-report ang mga kaparehong insidente sa pulisya o barangay para mapanagot ang mga maysala.
Paliwanag niya hindi sila makapaghahain ng kaso kung walang tatayong testigo.