NAG-iinit ngayon netizens sa ginawang pang-aabuso sa isang aspin sa bayan ng Murcia, Negros Occidental matapos itong gawing dart target.
Dahil dito, pinaghahanap na ang suspek at nag-anunsyo na rin ng pabuya ang mga lokal at national officials para sa dagliang pag-aresto sa suspek.
Nitong Martes, inanunsyo ni Murcia Mayor Gerry Rojas na magbibigay siya ng P10,000 pabuya sa sinoman na makapagtuturo sa salarin para mapanagot.
Nag-viral ang mga larawan ng aso na si “TikTok” sa social media habang may tama ito ng limang palaso sa kanyang leeg at binti.
Madali namang sumaklolo ang Bacolod-based non-profit group BACH Project PH para mailigtas ang aso.