Arci nagpapautang pero nahihiyang maningil

INAMIN ng aktres na si Arci Muñoz na nagpapautang siya sa mga kamag-anak at kaibigan pero nahihiya siyang maningil.

Sa isang panayam, hindi niya alam kung paano maningil ng pautang.

“Ang problem sa akin, ‘pag may nangungutang sa akin, I don’t know how to make singil, kung paano sisingilin. Ako pa ‘yong nahihiya,” sey ni Arci.

“Ayoko rin kasi maka-offend. And pagdating sa mga money matters, hindi ba ang awkward na parang kayo pa ‘yung nahihiya maningil?” dagdag niya.

Samantala, sinabi ng aktres na doble-ingat na siya ngayon kapag sasakay ng eroplano makaraang muntik manakawan noong isang taon sa business class.

“Be really aware all of the time. Kasi it’s not really a safe world out there. Isipin mo I was in the comfort of a business class plane, so iisipin mo wala na talaga,” ani Arci.

“[Pero] hindi ka puwede mag-relax-relax lang. Kailangan talaga medyo vigilant ka sa mga ganyan. So since then, talagang doble, tripleng kumot na ‘yung pinapatong ko sa bag ko,” dugtong niya.