HINDI binili ng ilang netizens ang public apology ni Awra Briguela sa pagpapasimuno niya ng gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati noong isang taon.
Anila, kung hindi lumabas sa vlog ni Vice Ganda ay hindi pa hihingi ng dispensa ang batang komedyante.
Sey nila:
“Isang taon bago mag sorry, haahahha.”
“I dont sense even a bit of sincerity on HIS apology.”
“The fact that you tried to fabricate a story, that already is a very very very dangerous thing. Wag kang pa awa at pa victim. Nakakatakot ang katulad mong kayang gumawa ng kwento masalba lang ang sarili.”
“Ang aga mo KC malunod sa kasikatan. Yumabang ka na para bang hindi ka nangaling sa putikan. Maging mapag pakumbaba, mas lalo kang mamahalin ng mga Tao.”
“Tumigil ka na awra, tapusin mo muna pag-aaral mo…Bat di ipa-drug test yan?!”
Sa Instagram nitong Miyerkules ay naglabas ng mensahe si Awra ukol sa Poblacion incident.
“An open letter yu the people I’ve disappointed, to the people who were involved, to the ones who believed in me, and especially to my family.
“Gusto ko simulan sa pag hingi ng tawad sa pamilya ko lalong lalo na sa magulang ko. Patawad kung mas pinili kong takbuhan at talikuran ang problema. Patawad kung wala akong tapang harapin ang mga issues naten (sa) isa’t isa. Patawad kung mas pinili kong tumakbo at mag pakasaya nang panandalian imbis na ayusin natin ang problema.
“Patawad kung nag bago ako at nag iba ang ugali ko. Alam kong hindi magiging madali pero pipilitin kong mag bago at susubukan kong ayusin ang mga desisyon ko sa buhay. Ang tanging hiling ko lang sa ngayon ay naway sana wag kayong mapagod na bigyan ako ng pag kakataon mag bago at bumawi sa lahat ng pag kakamali ko at ang pagkakataon na ‘to ay hinding hindi ko na sasayangin.
“The mistakes and all the damages that were done was mine and I am willing to take accountability and responsibility. I will take all of these as a lesson that I will carry for the rest of my life.”
Kinasuhan ng physical Injuries, alarm, scandal, disobedience to person in authority, at direct assault si Awra dahil sa pangyayari.