NAG-paalala si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga motorsita na dagdagan ang pasensya at magpigil ng galit habang nasa kalsada.
Ginawa ni Santo ang pagpapaalala nitong Martes matapos ang malagim na road rage incident na nauwi sa barilan sa lungsod nitong Linggo sa Sitio Calumpang, Barangay San Jose sa lungsod na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng tatlong iba pa.
Sa viral video, binaril ng isang driver ng SUV ang mga nakatalo nitong mga motorcycle rider na una niyang nakasagutan at suntukan. Dahil sa kanyang pamamaril, maging ang kanyang live-in partner ay nasugatan.
“This moment calls for deep reflection on the consequences of anger unchecked — a force that blinds, burns, and leaves lives shattered in its wake. Remember, a single action taken in anger can have irreversible consequences,” ayon kay Santos sa kanyang pastoral statement.
“Traffic congestion and daily challenges may test our patience, yet these are opportunities to practice kindness and self-control,” dagdag pa nito.
Kailangan din anyang pairalin ang aral ni Hesus hinggil sa pagpapasensya, pang-unawa at awa.
“In times of frustration, let us seek the peace that comes through Him, and the strength to respond with grace rather than fury,” anya pa.
“May justice and healing prevail for all affected by this tragedy,” pahayag pa ng obispo.