Annabelle Rama: ‘E’ si Chucky, hindi si ‘S’

NILINAW ng talent manager at celebrity mom na si Annabelle Rama na mali ang hula ng publiko sa pinatutungkulan niyang “Chucky” sa kanyang Facebook post kamakailan.

Sa comment section ng nasabing post, humingi ng clue ang social media personality na si Senyora kay Annabelle kung sino ang sinasabi nitong kamukha ni Chucky, ang killer doll sa “Child’s Play” franchise.

Sagot ni Annabelle: “Matalino ka day! Dapat alam mo na. Hindi S. E.”

Kahit walang binanggit na mga pangalan si Annabelle, agad namang ipinalagay ng ilang netizens na ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther ang tinutukoy ng ina nina Ruffa at Richard Gutierrez.

Si Sarah ang estranged wife ni Richard.

Matatandaan na nag-viral ang Facebook post ni Annabelle kung saan binanggit niya ang ilang iconic dolls in history.

“Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo. Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis. Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?” sey ni Annabelle sa post.

May mga nanghula na si Barbie Imperial, ang rumored girlfriend ni Richard, ang tinutukoy ni Annabelle na Barbie habang ang Chucky naman ay si Sarah.