Andrea ngumawa sa pinanood na cartoons

WAPAKELS na nag-iiyak ang aktres na si Andrea Brillantes habang nanonood ng animated movie na “Inside Out 2” sa sinehan.

Hanggang matapos ang palabas ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang “High Street” actress.

Sa Instagram story, ibinahagi ni Andrea na kasama niya na nanood siya ng pelikula ang kaniyang kaibigan.

Ibinida pa nya ang kanyang larawan na umiiyak sa loob ng sinehan.

“Watched ‘Inside Out 2’ with my best friend yesterday and I legit couldn’t stop crying (credits na yung nasa screen umiiyak pa din lol, ” sey niya sa caption.