Andrea napansin ng Korean star, gumulong sa iyak

NAGLULUPASAY sa iyak ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes makaraang pusuan ang kanyang pictures ng isang South Korean star.

Sa kanyang Instagram story, shinare ni Andrea ang clip ng pagpapagulong-gulong niya habang umiiyak nang makumpirma na napansin ni Sek Yea-ji (yeyeji_seo) ang mga larawan niya sa Instagram.

Ani Blythe, hindi lamang isa kundi limang photo niya ang pinusuan ng “It’s Okay to Not Be Okay” star.

Hindi umano makapaniwala ng aktres na mapapansin siya ng kanyang idolo.

“Hindi ‘to totoo. Hindi ‘to totoo,” paulit-ulit niyang sinabi.