Andrea isang-taong walang BF, nag-celebrate

IBINAHAGI ni Andrea Brillantes ang ipinadalang cake sa kanya ng mga kaibigang sina Bea Borres at Danica Ontengco para i-celebrate ang isang taon nang pagiging single niya.

“Happy Independence Day at Happy Anniversary sakin emz,” ani Andrea sa Instagram post.

Sa isa sa mga ipinadalang cake, mababasa ang mensahe sa aktres na, “Congratulations! You’ve made it through an entire year, which is 365 days. Good job.”

Binasag naman ng netizens ang trip ni Andrea at sinabing napakabata pa ng aktres para umikot ang buhay sa mga boys.

“Sobrang big deal na wala lalaki sa buhay? How old is she? Parang sa boys umiikot buhay niya. Ang desperate tignan.”

“Lahat ng news sa batang ‘to puro nega at abt boys. Parang wala akong narinig na maaayos na balita abt her.”

“The people who know her well enough to know that this is a big deal that needs to be highlighted. It’s not nice to think that a girl’s life revolves around boys.”

“I understand they’re young, pero there is more to life than a guy. Get a hobby, involve yourself with more productive things. Hindi lahat ng focus ay guys or hugot.”

“Her biggest achievement, so far. 🙄Congratulations!”