NILINIS ng aktres na si Andrea Brillantes ang sarili sa paniniwala ng ilan na masama siyang babae na hindi dapat pamarisan ng kabataan.
Sa interview ng L’Officiel, sinabi ni Andrea na maraming misconception ang publiko ukol sa kanyang katauhan.
“Masyado bang conceited na sabihin na hindi masama ang ugali ko? I think I’m a good person? Puwede ko namang sabihin yun di ba? I’m not perfect but I’m not a bad person,” sey ni Andrea.
“I’m not as bad as they paint me out to be. If ever ‘yun ang tingin nila, ‘yun ‘yung lumalabas, I think as a water sign, I’m just a reflection of their actions,” dagdag niya.
“If for example, kunyari may nagsabi na suplada ako, feeling ko mas nauna nila akong sinupladahan bago sila,” sambit pa niya.
Ayon sa aktres, hindi siya horrible person kung makilala lang siya ng publiko.
“I’m not urgh!” giit niya.