Andrea Brillantes single and happy

KUNTENTO at masaya raw sa kanyang pagiging single ang aktres na si Andrea Brillantes.

Ayon kay Blythe (palayaw ni Andrea), mas tinututukan niya ngayon ang kanyang sarili at ang career.

“I’m fine alone. Kahit mag-isa ako, kayang-kaya ko ang lahat,” aniya sa isang panayam.

Gayunman, hindi isinasara ni Andrea ang posibilidad na ma-in love siyang muli.

“Kasi ang love ang kaisa-isang emosyon na kahit perfect ka na siguro, kapag tinamaan ka ng pag-ibig, puwede kang manghina,” dagdag niya.

Sa isang hiwalay na interview, sinabi ni Andrea na noong kabataan niya ay gusto sana niyang mag-aral sa private school gaya ng mga kaibigan niya.

Pero, dagdag niya, mas pinili niyang magtrabaho na lang para sa kanyang pamilya.

“Mga nepo baby at sosyal ‘yung mga friends ko noon. So, siyempre mai-imagine mo ‘yung pressure na dumikit sa akin bilang bata na breadwinner ako, tapos sila, they don’t have to pay for rent, bills,” sey ng aktres.

“Kaya ko naman pag-aralin ‘yung sarili ko sa private schools katulad nung friends ko, pero in order to do that, magugutom ‘yung family ko,” dagdag ni Andrea.