HINDI ikinakahiya ng anak ni Vina Morales na Ceana ang amang si Cedric Lee na nakakulong kaugnay sa sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa laban sa kanya ng TV host-actor na si Vhong Navarro.
Ayon kay Vina, nabisita na ni Ceana ang ama sa New Bilibid Prison.
Sa Instagram, ibinahagi ni Vina ang latest achievement ni Ceana na isa sa mga “first honors” sa La Salle Greenhills.
“Waking up to an email from school with a great news that my baby girl @ceanaml is one of the first honors again. I am a very proud mommy and your dad is also proud of you. I love you very much anak, Can’t wait to go home,” ani Vina.
Sa comment section, ilang netizens ang binanggit si Cedric.
“Eto po ba ung anak ni cedric lee?” sey ng isa.
“Yes po,” sagot naman ni Vina.
“Yes. Cedric Lee is proud of his daughter. Not sure if his daughter is proud of him,” hirit ng isa pa.
“Yes po. She visited her dad na,” wika ni Vina.