NAGTAPOS ng senior high school anak ni Candy Pangilanan na si Quentin, kamakailan.
Sa Instagram, masayang ibinalita ni Candy na nakatanggap ng award ang anak.
“Wala po kaming high honors pero Most Cheerful award po kami. Hay! Hanggang graduation di kami magkasundo. Wala kaming matinong picture. Okay lang graduate pa rin kami,” sey ni Candy caption.
Inihayag ng aktres na nag-tantrums si Quentin matapos ang ceremony.
“At least we finished the ceremony,” sabi niya.
Si Quentin ay neurodivergent.
Nagtapos si Quentin sa junior high school noong 2022 at nakatanggap ng dalawang awards: Enthusiastic Learner Award at Reading Rockstar.