Ama proud sa panalo ni Caloy; ina, 3 utol dedma

LUBOS ang kasiyahan ni Mark Andrew Yulo sa napagwagiang gintong medalya ng anak na si Carlos sa men’s floor exercise event ng artistic gymnastics competition sa 2024 Paris Olympics.

Sa isang panayam, sinabi ni Mark na matagal nang pinupuntirya ni Caloy ang Olympic gold medal.

“Masaya [ako] kasi matagal na panahon na ni Caloy na nire-ready simula noong 2020 Japan Olympics. Four years niyang tiniis ‘yan, talagang pinagpaguran ng bata,” aniya.

“Deserve niya ‘yan. Dugo at pawis ‘yung pinaghirapan ni Caloy diyan, talagang gustong-gusto niya makuha ‘yan,” dugtong nito.

Lumutang din ang mga lumang post ng pagsuporta sa kanya ng ama sa ginaganap na Paris Olympics.

“9 days to go..Maraming salamat po SMART Sports at MVP Sports Foundation, Inc. family.  Go for Gold,” caption ni Mark sa isang Facebook post. 

“Mark Andrew Yulo let’s go pa!” reply naman ni Caloy.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang reaksyon ang ina ni Caloy na si Angelica at mga kapatid na sina Joriel, Eldriew at Elaiza sa tagumpay ng Pinoy gymnast.

Napag-alaman naman ng PUBLIKO na tinatanggal ni Angelica ang tag sa pangalan niya sa mga post ng pagbati kay Caloy.