Ama ni Deniece Cornejo: Hindi gold-digger ang anak ko

DINIPENSAHAN ni Dennis Cornejo ang anak na si Deniece Cornejo sa mga kritiko na inilalarawan ang huli bilang isang gold-digger.

Ayon kay Dennis nitong Lunes, maayos ang pagpapalaki niya kay Deniece.

“Pinalaki ko si Deniece nang maayos. Sinasabi nila gold digger si Deniece? No! I am working for 22 years. Maganda ang savings ko. Nagtrabaho ako sa barko, lahat sila nabibigyan ko nang maayos na pamumuhay,” giit ni Dennis.

Ibinahagi ni Dennis na dahil sa kinahinatnan ng kanyang anak ay nagkaroon ng pagkakataon na nawawala siya sa sarili.

“Kapag ako ay nag-iisa, kapag ako ay matutulog na, kapag ako ay nagda-drive…there are some changes in me right now. Napapansin ko sa sarili ko dahil sa pag-iisip ko,” kuwento niya.

“Noong 2014, noong unang nangyari ‘yan, I was working that time sa cruise ship. Nawawala ako sa sarili ko. Ganoon kabigat,” paliwanag niya.

Nakakulong si Deniece sa Women’s Correctional sa Mandaluyong matapos mahatulan ng habambuhay sa kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanya ni Vhong Navarro.