Ama kay Carlos Yulo: Dapat matuto siyang mag-sorry sa kanyang nanay!

NANINIWALA si Mark Andrew Yulo na hindi maganda ang imahe sa publiko ng anak niyang Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

At para mabago ang persepsyon ng taumbayan kay Carlos, may suhestiyon ang ama: humingi ng tawad sa inang si Angelica.

Sa comments section ng isang ulat ng ABS-CBN News ukol kay Carlos, isa si Mark Andrew sa mga bumoses.

“Dapat matuto siyang mag-sorry sa kanyang nanay na mali ang ang sabihan nya ang kanyang nanay na magnanakaw para gumanda ang kanyang imahen,” ayon sa ama.

Bago ito, shinare ni Mark Andrew sa Facebook ang isang quote card kung saan mababasa na, “May gantimpala sa Panginoon ang sino mang Anak ang may respeto, pagpapahalaga, at pagmamahal sa ating mga magulang.”