UMAPELA ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac mayor na si Alice Guo para sa patas na imbestigasyon hinggil sa mga akusasyong ibinabato sa kanya, kabilang na ang sinasabing pagkakaugnay niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa kanyang pitong pahinang sulat kay Executive Secretary Lucas Bersamin, chair ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), mariing pinabulaanan ni Guo ang aksasyong espionage, money laundering, human trafficking, kidnapping, at involvement sa illegal na POGO operations.
Isinumite ni Guo ang kanyang sulat sa pamamagitan ng kanyang legal counsel.
“It is simply a letter addressed to the Executive Secretary as the Chairman of the PAOCC just expressing the Mayor’s intention that she is one with the Commission to uncover the truth and for justice to prevail,” ayon sa abogadong si Lorelei Santos.
“Yes, in summary that is our request,” sagot ni Santos sa tanong kung ang hiling ni Guo ay patas na imbestigasyon.
Nitong weekend, sinabi ng PAOCC na nakatakda silang magsampa ng “serious” at “non-bailable” charges laban sa alkalde.