POSIBLENG wala na sa bansa ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.
Ayon kay Gatchalian, maaring nakaalis na sa bansa si Guo gamit ang kanyang Chinese passport.
“Sa mga infotmation namin sa Bureau of Immigration ay nandito pa sya dahil cheneck namin kung si Guo Hua Ping ay umalis na ng Pilipinas, wala naman silang nakitang ganun na record so far,” ayon sa senador.
“So kung dadaan sya sa ating mga airport, at dadaan sya sa seaport, made-detect sya. Pero alam naman natin na meron pang ibang paraan para makatakas,” dagdag pa ng senador.
Samantala, sinuguro sa publiko ng Bureau of Immigration (BI) na parehong binabantayan nito ang mga indibidwal na may pangalang Alice Guo at Guo Hua Ping na nasa Immigration Lookout Bulletin (ILBO).
Ito ang ginawang pagtiyak ni BI spokesperson Dana Sandoval matapos magpahayag ng pangamba si Gatchalian na posibleng lumabas na ng bansa ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, gamit ang kanyang Chinese passport.
“Both Alice Guo and Guo Hua Ping’s names are included in the ILBO,” ayon kay Sandoval.
Samantala, dapat na usisain anya ang Philippine Coast Guard para matiyak na hindi lumabas ng bansa si Guo gamit ang “backdoor”.
Matatandaan na kamakailan lang ay kinumpirma ng National Bureau of Investigation na ang suspendidong alkalde at si Guo Hua Ping ay iisang tao lamang.