Alice Guo nasa Indonesia pa rin

NANINIWALA ang Bureau of Immigration na nasa Indonesia pa rin ang sinibak na Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, hindi rin nagtatangka si Guo na umalis ng Indonesia.

“Sa tracking po ng ating counterpart doon, confirmed po nasa Indonesia pa po. Wala pa pong attempts ng paglipat o pag-transfer sa ibang bansa itong si former mayor Alice Guo,” ani Sandoval sa panayam ng dzBB.

Maging ang kapatid pang isa ni Guo na si Wesley ay nasa Indonesia pa rin, bagamat una nang naiulat na nakalabas na ito ng bansa.

“With Wesley Guo, ang last known information niya is Indonesia. Wala pa po tayong new information as to his whereabouts kung lumipat po siya ng bansa,” said Sandoval.

“We are waiting sa confirmation ng Indonesia counterparts natin kung may mga updates po sa biyahe niya.” 

Samantala, malaking tulong di umano ang pagkakadakip sa kapatid ni Guo na si Sheila at Cassandra Li Ong sa Indonesia dahil matutunton din nila sa di kalaunan ang dating alkalde.