INIUTOS ng Pasig Regional Trial Court (RTC) na ilipat sa city jail mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ang dinismis na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, hinggil sa kasong qualified human trafficking na isinampa laban sa kanya.
Sa apat na pahinang order ng Pasig RTC Branch 167, sinabi ni Presiding Judge Annielyn Cabelis na nakakita ang korte ng probable cause para isailalim sa paglilitis si Guo at kanyang mga co-accused na sina Huang Zhiyang, Rachelle Joan Malonzo Carreon, Zhang Ruijin, Baoying Lin, Yu Zheng Can, Dennis Lacson Cunanan, Jamielyn Santos Cruz, Roderick Paul Bernardo Pujante, Juan Miguel Alpas, Merlie Joy Manalo Castro, Rita Sapnu Yturralde, Rowena Gonzales Evangelista, Thelma Barrogo Laranan, Maybelline Requiro Millo (a.k.a. Shana Yiyi) at Walter Wong Long.
Si Long, na isang Malaysian, na nakadetine sa Tarlac Provincial Jail ay isa sa mga nadakip sa Philippine Offshore Gaming Operator hub sa Bamban, Tarlac sa isinagawang raid noong Marso.
in Bamban, Tarlac during a raid in March.
Nahaharap din sila sa kasong Anti-Trafficiking in Persons Act.
Walang bail na inirekomenda ang korte.
Nakatakda ang arraignment sa Pasig court sa Set. 27 sa pamamagitan ng video conferencing.