Alice Guo hindi nagsisisi sa pagsabak sa politika

KAHIT mahirap ang pinagdadaanan, hindi raw nagsisisi si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na pinasok niya ang politika.

Sa Facebook, shinare ni Guo ang tungkol sa pagsabak niya bilang independent mayoralty candidate noong 2022 elections.

“Most Frequent Asked Question… Nagsisi ka ba Alice at pumasok ka sa politika? The answer is HINDI… pero nasaktan ako ng husto nang politika. I almost lost myself,” pahayag niya.

Nagpasalamat din ang alkalde sa pagsuporta sa kanya mg mga taga-Bamban.

“Humihingi po ako ng paumanhin sa mga taong nadamay at pilit na idinadamay. Ako po ay nakikiusap din to stop spreading false information,” dagdag niya.

Bago ito, naglabas ang Senado ng warrant of arrest laban kay Guo dahil sa hindi pagsipot sa imbestigasyon ukol sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban.