INIUTOS na ng Pasig City Regional Trial Court ang paglilipat sa dating alkalde ng Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Ito ay matapos siyang ma-convict sa qualified human trafficking at masentensiyahan ng habambuhay na pagkabilanggo.
iniutos din ng korte ang paglilipat sa Correctional sa mga kapwa niya akusadong sina Jaimielyn Santos Cruz, ang sinasabing presidente ng Zun Yuan Technology Inc. (ZYTI), at Rachelle Joan Malonzo Carreon.
Bukod sa habambuhay na pagkakakulong, pinagbabayad din ng korte ang tatlo na magbayad nag tig-P2 milyon bilang fine.
Ayon naman kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. inaayos na ang security arrangement para sa gagawing paglilipat sa tatlong convicts.


