Alice Guo, Bible ang almusal?

BAGO mag-alas-9 ng umaga ngayong araw ng Lunes ay nakarakarating na sa Senado si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo para muling humarap sa pagdinig.

Nakaposas at naka-bulletproof vest si Guo, na nakatakip din ng mukha, nang umalis mula sa PNP Custodial Center kung saan siya nakadetine.

Haharap si Guo sa Senate committee on women, children, family relations, and gender equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP spokesperson Jean Fajardo na hindi nag-almusal si Guo bago umalis ng detention facility.

Ang tanging hiling lang nito ay kopya ng librong “Purpose Driven Life” at Bible.