Alice Dixson muling nakasakay ng jeep, nag-emote

TUWANG-TUWA ang aktres na si Alice Dixson sa kanyang muling pagsakay ng pampasaherong jeep.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Alice

na noon pang 1990s huli siyang nakasakay ng jeep.

“Guess where I am!” ani Alice sa video. “This jeep says it’s headed to Marikina…Flashback to:

My last paid trip was from Taytay to Cubao nun dalaga pa ako circa 1990’s.”

Kuwento ni Alice, tinanggalan siya ng kotse ng kanyang ina dahil pasaway siya.

“Mom decided to take my car away for bad behavior. But I was already in my 20’s!!!

So with a friend, I went to the corner of our subdivision on Ortigas Avenue extension (kids no grab or angkas back then) and we took a Jeepney to QC to meet up with my other BI friends,” dagdag niya.

Umamin naman si Alice na pasaway siya noon.

“But I did eventually learn my lesson later on.

Sorry mom patawad xx I love you ❤️,” sey pa niya.