Alex Eala: Kauna-unang Pinay na US Open Grand Slam Girls Singles champion

WAGI ang Pinay na si Alex Eala sa Grand Slam Singles Title sa US Open matapos talunin ang No. 2 seed na si Lucie Haickova sa girls finals sa New York.

Si Eala ang kauna-unahang Filipino na nagwagi sa kategorya.

“Buong puso ko po itong pinaglaban hindi lang para sa sarili ko kundi para makatulong din ako sa kinabukasan ng Philippine tennis. Hindi lang ito panalo ko—panalo nating lahat!” sabi ni Eala sa awarding ceremony.

Siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nagsalita sa US Open awarding ceremony.