MULA sa Level 1 (abnormal), itinaas ngayong Lunes sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon dahil sa tumataas nitong insidente ng pag-aalburoto.
Sa advisory na ipinalabas ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang 49 beses ng rockfall sa pagitan ng June 4 hanggang 5. Ang average na rockfall ay lima.
Sa kabuuan, naitala ang 318 rockfall at 26 volcanic earthquakes simula noong Abril 1, ayon sa Phivolcs.
Sa ilalim ng Alert Level 2, ang pag-aalburuto ay posibleng mag-trigger ng phreatic eruption o precede hazardous magmatic eruption.
Binalaan ang publiko na maging mapagmatyag at umiwas na pumasok sa 6-km radius na permanent danger zone.