Alden present sa despedida ng utol ni Kathryn

VIRAL ang larawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na kuha sa despedida ng kapatid ng aktres.

Sa larawan makikita sina Alden at Kath na nasa magkabilang gilid at pinagigitnaan sina Kevin Bernardo at partner nitong si Shennen Tan.

Sa ibang bansa nakabase ang pamilya ni Kevin, isang dentista, at umuwi lang sa Pilipinas para sa ilang buwan na bakasyon.

Ayon sa ulat, intimate ang salo-salo at tanging mga kapamilya at malalapit na kaibigan ang imbitado.

Komento ng ilang KathDen fans, mukhang at-home na at-home na si Alden sa pamilya at mga kaibigan ng mga Bernardo.

“Alden is everywhere @ the Bernardos’ household events, a clear sign that he is well loved & well accepted by Kath’s family.”

“Tigilan nyo kakasabi ng promo. Pamilya na kasama. Intimate affair. Ano pang ipropromo nyan?”

“Sana after ng movie eh makita niyo pa din si Alden sa personal na ganap ni kath (family and close friends).”