KAPAG walang trabaho ay nasa bahay ni Kathryn Bernardo ang manliligaw niyang si Alden Richards, pambubuking ng showbiz insider na si Ogie Diaz.
“Mayroon ngang nagparating sa akin ano, na nakakatuwa naman, na kahit wala naman daw shooting eh talagang patuloy na dumadalaw itong si Alden sa bahay nina Kathryn,” ani Ogie.
“Lagi namang excited ‘yung mga kasama sa bahay ni Kathryn kapag nandoon si Alden,” dagdag niya.
Ayon pa sa source ni Ogie, tinuturuan daw ni Alden si Kathryn na mag-drive.
“Ang cute lang na tinuturuan ni Alden si Kathryn,” chika ni Ogie.
Bago ito, isa pang source ni Ogie ang nagkumpirma na nanliligaw na si Alden kay Kathryn.
Boto naman umano ang pamilya ng aktres kay Alden dahil lahat ng gusto nila para sa lalaking mamahalin ni Kathryn ay nasa aktor.