Albie saludo sa tapang ni Nikko

IPINAGTANGGOL ni Albie Casiño si Nikko Natividad sa ginawa nito na pag-call out sa “It’s Showtime” host na si Vice Ganda

Sa kanyang Instagram story, ni-repost ni Albie ang screenshot ng kontrobsersyal na post ni Nikko sa Facebook.

Tinindigan din niya ang opinyon ni Nikko ukol sa umano’y pamamahiya ni Vice sa isang serchee sa “EXpecially For You” segment ng noontime show.

“Saludo ako sayo brother @nikkonatividad,” sey ni Albie.

“Wala naman mali sa sinabi ni Nikko, lahat naman tayo may sariling opinion and we all have the right to voice that,” dagdag niya.

Pasaring niya sa mga bashers ni Nikko: “Ang mahirap is gusto niyo mawalan ng trabho ang taong nag susuport ng pamilya dahil lang sa opinion niya.”

Matatandaan na tumamlay ang career ni Albie makaraan siyang ma-bash nang publiko nang itanggi niya na siya ang ama ng ipinagbubuntis noon ng ex-girlfriend na si Andi Eigenmann. Kinalaunan ay lumabas ang katotohanan na si Jake Estrada ang ama ni Ellie.