Albay Rep. Lagman pumanaw sa edad na 82

PUMANAW si Albay First District Rep. at Liberal Party President Edcel Lagman ngayong Huwebes, Enero 30, 2025, kinumpirma ng kanyang pamilya. Siya ay 82 anyos.

Sa isang pahayag sinabi ng kanyang anak na si Tabaco Mayor Krisel Lagman, na namatay ang kanyang ama bunsod ng atake sa puso.

“He left this world the way he lived his life – with integrity, compassion, and fearlessness. He fought until the end with the dogged determination, tenacity, and unshakeable hopefulness that defined all that he stood for,” ayon kay Mayor Lagman.

Nagsilbi si Rep. Lagman bilang kongresista ng Unang Distrito ng Albay ng walong termino, na nagsimula noong 1987 hanggang 1998, 2004 hanggang 2013 at mula 2016 hanggang ngayon.

Napili siyang pangunahan ang Liberal Party noong 2022.