PINALAGAN ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang akusasyon ni Senador Raffy Tulfo hinggil sa umano’y isang bettor ang 20 beses nanalo sa lotto sa loob ng isang buwan.
Sa kalatas, sinabi ng PCSO na ang sinasabing isang bettor na nanalo ng 20 beses sa loob lang ng isang buwan ay hindi sa major draw ng ahensiya kundi sa digit games lang na may minor prizes.
Giit nito walang nanalong bettor ng 20 beses para sa mga Lotto draw na 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55 at Ultra Lotto na 6/58.
Hindi rin anya ito nangangahulugan na siya ay nanalo sa laro.
“For Digit Games such as 2D, 3D, 4D, and 6D, PCSO lotto outlet agents or representatives of the winners can collect the winnings on their behalf. Since they are just minor prizes, a winner can ask someone he trusts to claim the prize for him/her through the so-called ‘paki-claim’,” paliwanag ng PCSO.
Dagdag pa nito, na may ilang winners ang nakiki “paki-claim” na lamang dahil pahirap din umano ang pag-claim na maliit lang din naman ang premyo.