AJ Raval ayaw nang magpa-sexy; Aljur Abrenica: ‘I’m proud of her’

MASAYANG-masaya ang aktor na si Aljur Abrenica sa desisyon ng girlfriend na si AJ Raval na talikuran na ang pagpapaseksi sa pelikula.

“Nun’g naging desisyon niya ‘yun, actually, nun’g magkasama kami, nababanggit na rin ‘yun ng pamilya niya, naging saksi ako do’n, naging masaya ako sa naging desisyon niya,” sey ni Aljur sa isang panayam.

“Kasi, ako naman kasi, lagi lang akong nakasuporta sa mga kaibigan ko, sa mga taong mahal ko sa gusto nilang gawin. Pero para sa desisyon na ‘yun, I’m happy, I’m proud of her,” dagdag niya.

Bago ito, isinapubliko ni AJ na graduate na siya sa mga sexy roles.

“Tapos na ‘ko sa phase na ‘yun, sa part na nagpapa-sexy, nagpapakita ng skin. Gusto ko naman na bago naman, mas maganda, mas makakabuti para sa akin. Okay na ako sa part na nadaanan ko siya, nagawa ko siya,” paliwanag niya.

Sa katunayan, dagdag ni AJ, isang digital series ukol sa West Philippine Sea (WPS) ang kanyang next project.

“Tinanggap namin siya kasi alam naming makakabuti siya para sa sarili namin at makakabuti siya para sa mga mamamayang Pilipino,” chika ng dalaga.