Site icon Pinoy Publiko

Acorda itinalagang bagong PNP Chief

Bagong hepe ng PNP na si General Banjamin Acorda Jr., itinalaga ngayong Lunes, Abril 24, 2023.

PORMAL nang itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police si Major General Benjamin Acorda Jr. ngayong Lunes ng umaga, Abril 24, 2023.

Nanumpa si Acorda, dating hepe ng Directorate for Intelligence, bilang kapalit nang magreretirong si General Rodolfo Azurin, sa isinagawang programa para sa change-of-command sa national headquarters ng Pambansang Pulisya.

Epektibo ang appointment ni Acorda simula ngayong Lunes.

Exit mobile version