MAY panibagong batch ng mga empleyado ng ABS-CBN ang sinibak na rin sa kanilang trabaho dahil sa patuloy na pagbagsak ng ad revenues ng network giant.
Sa isang kalatas nitong Miyerkules, ibinalita nito na kailangang i-layoff ang may 100 empleyado o tatlong porsyento ng kanilang workforce dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang kita na resulta pa ng pagkawala ng prangkisa nito noong panahon ng administrasyong Duterte.
“We are committed to providing those affected with full benefits and support, and are deeply grateful for their many years of service to the company and to the public,” ayon sa kalatas ng ABS-CBN.
Kasama sa mga nasibak ay ilang mga reporter at cameraman.
Noong 2023, iniulat ng ABS-CBN na kumita ito mula sa ads ng 16 percent o P6.7 bilyon. Ngunit mababa pa rin ito sa kita na nakuha ng media giant noong 2019 na umabot sa P22.94 bilyon.
Taong 2020 ng tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN dahilan para simulan nito ang paninibak sa mga empleyado.
Umabot sa 4,552 empleyado na ang nasibak.