SINAMPAHAN ng P2.15 milyon lawsuit ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Chairperson Emeritus na si Carol Aurollo si dating anti-insurgency spokesperson Lorraine Badoy bunsod ng walang humpay nitong pag-red tag sa organisasyon.
Maliban kay Badoy, inasunto rin ni Aurollo si Jeffrey Cadiz na co-host ni badoy sa programa nito sa SMNI. Pakilala ni Cadiz ay dati siyang mataas na opisyal ng New People’s Army.
“Nung una ‘di ko pinapansin, kilala naman ako ng mga tao, maayos naman ang aking reputasyon at aking track record subalit sa age of social media na ang disimpormasyon ay kumakalat ng napakabilis at ito na paulit ulit na pagsisinungaling na ito ay mukhang pinaniniwalaan ng kanilang mga taga sunod ng kanilang mga programa na ‘di ako kilala,” paliwanag ni Araullo kayat nais niyang pananagutin ang dalawa.
Ayon sa abogado ni Aurollo, hiling nito na pananagutin si Badoy at pagbayarin ng P2.15 milyon in damages si Badoy, na dati ring naging assistant secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ni dating Pangulong Duterte, bago siya hinirang na tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict or NTF-ELCAC.
Hinamon naman ni Badoy si Aurollo na sampahay siya ng totoong kaso.
“If they’re serious about challenging the things we say about them, why not file a REAL case? Not this “useless, nuisance case” lawyers say it is?” pahayag ni Badoy sa isang kalatas.
“Prove me wrong, Carol. Sue us for libel,” dagdag pa ni Badoy.
Pahayag naman ni Celiz na ginagamit ng BAYAN ang kaso para sa propaganda.