SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na ramdam ng 93 porsiyento ng mga Pinoy ang epekto ng climate change sa nakalipas na tatlong taon.
Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, 17 porsiyento ng mga Pinoy ang nagpahayag na naranasan nila ang severe impact ng climate change, 52 porsiyento ang nagsabi na ramdam nila ang moderate impact ng climate change at 24 porsiyento nakaranas ng little impact.
Umabot lamang sa anim na porsiyento ang nagsabi na hindi nila naranasan ang epekto ng climate change.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents.