BAGAMAT walang kakapusan sa suplay ng asin sa bansa, sinabi ng isang agricultural group na 93 porsiyento o 550,000 metric tons ng pangangailangan ng asin ay mua sa ibang bansa.
Ito ay dahil sa patay o naghihingalong industriya ng asin sa bansa, ayon kay Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) President Danilo Fausto sa panayam ng DZBB.
“Nakakahiya nga dahil one of the longest shoreline in world ang Pilipinas; 36,000 kilometers yan kahit sa 70 kilometers lang yan, makaka-produce na tayo ating asin,” sabi ni Fausto.
Isa sa nakikitang dahilan ng pagkamatay ng industriya ng asin ay ang ASIN Law na nagmamandato na gawing iodized salt ang lahat ng asin.
“Kasi may batas tayo noong 1995, nirerequire ang lahat ng salt production na may iodized salt at dapat ang DTI tumulong, according to the law, magbigay ng machine para ma-iodize ang produkto nila sa asin, hindi naman naibigay iyon so namatay yung industriya so now we are importing 93 percent of our salt requirements,” dagdag ni Fausto.