90s actress mula sa pamilya ng mangkukulam

UMAMIN ang dating aktres na si Alma Soriano na may lahi siya ng mangkukulam.

Sa interview Morly Alinio, kilinaro ni Alma na hindi black magic ang kanyang ginagamit.

“I’m a gray witch. I can be black or I can be white, or I can be both,” aniya.

“Pero wag na nating pangarapin na maging black ako so let’s stay in the middle,” dagdag niya.

Sinabi ni Alma na marunong siyang manggamot at manghula.

Namana niya ang mga abilidad mula sa kanyang lola.

“I can heal. Kaya kitang gamutin [pero] hindi ‘yung intense na [sakit],” sabi niya.

Isiniwalat ng dating aktres na kaya niyang mangulam pero hindi niya ito tinatangka dahil tiyak na babalik ito sa kanya.

“Masama talaga. Hindi mo pwedeng basta ka nalang mananakit ng kapwa mo,” paliwanag niya.

Ayon kay Alma, maraming naglipana na pekeng “mangkukulam.”

“Once na ang manggagamot or ‘yung manghuhula nagpabayad, hindi totoo ‘yon. We never ask for money. This is a gift from heaven, this is a gift from universe, this is a gift from gods and goddesses,” punto niya.

“Since regalo ito, bakit mo ibebenta?” dugtong ni Alma.