INIHAYAG ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na siyam na trak ng puting sibuyas ang naharang sa Misamis Oriental noong isang linggo.
Sa isang press conference, sinabi ni Panganiban na mga lokal na tanim ang mga nasabat na puting subuyas.
Ito’y sa harap ng kakulangan ng puting sibuyas sa merkado dahilan para umabot ang presyo nito sa P450 hanggang P500 kada kilo sa mga supermarket.
“Kasalukuyang nagsasagawa ng inspeksyon ang Bureau of Plant Industry para malaman kung marami pang itinatagong white onions sa mga cold storage facilities,” dagdag ni Panganiban.
Aniya, magdedepende sa resulta ng inspeksyon ng BPI sa mga cold storage facilities kung kailangan pang mag-angkat ng puting sibuyas.