DAPAT handa palagi ang publiko sa lindol hanggang sa may lakas na 8.2 magnitude, paalala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
“The Manila Trench and the Philippine Trench are both capable of generating magnitude 8.2 earthquake,” ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol sa panayam ng Philippine News Agency.
Dagdag pa nito na ang Philippine Fault Zone sa Gabaldon, ay kayang makapag-generate ng 7.9 magnitude.
Ginawa ni Bacolcol ang pahayag matapos tumama ang 7.4 magnitude na lindol sa Surigao Sabado ng gabi at panibagong 6.8 magnitude nitong Lunes.
Nakapagtala na rin ng may 1,898 aftershocks na may magnitude na 1.4 hanggang 6.6 hanggang ala-1 ng hapon nitong Lunes.
Noong 1976 naitala ang 8.1 magnitude quake sa Mindanao na ikinasawi ng may 8,000 katao.
“It (strongest quake) was generated by the Cotabato Trench. Around 8,000 people died because of the tsunami,” dagdag pa ng panayam.