IMBES na ngayong Abril 15, itinakda ang implementasyon ng modified work schedule sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa Mayo 2, ayon kay San Juan Mayor at Metro Manila Council (MMC) president Francis Zamora.
Mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ang magiging pasok ng mga empleyado, mas maaga sa alas-8 hanggang alas-5 ng hapon, ayon sa MMC Resolution 24-08.
“More than two weeks will be enough for the public to know the changes in work hours,” ayon kay Zamora.
Naniniwala ang opisyal na malaki ang maitutulong ng bagong schedule sa mahigit 112,00 empleyado ng Metro Manila LGUs upang di makaranas ng pahirapan sa pagsakay at traffic.
Makatutulong din anya ito para maibsan ang patuloy na paglala ng trapiko sa Metro Manila.